Isang Masaklap na Nakaraan
Noong Hunyo 15, 1991, naranasan ng mga Kapampangan ang simula ng mga pangit na pangyayaring hahagupit at magsusuri sa tibay ng karakter ng mga Kapampangan. Ang bulkang Pinatubo ay pumutok at nagdalot ng malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao di lamang sa Pampanga ngunit sa buong Luzon. Ang epekto ng pagsabog ng bulkang ito ay naramdaman hindi lamang sa Pilipinas kung hindi ito ay umabot sa Russia hanggang sa North America dahil sa pagkalat ng "volcanic materials" na nakasuspende sa atmospera ng mundo(Park.org,1996). Ayon sa park.org (1996),847 ang mga namatay, 184 ang mga nasaktan, 23 ang mga nawawala, at mahigit sa isang milyon ang lumikas sa kanilang mga tirahan. Dahil din sa pagsabog ng bulkan ay nagkaroon ng pagbaha ng lahar at nagdulot ito sa pagkakatabon ng mga gusali - mga bahay, simbahan, mga gusali at iba pa.
Para sa akin, mahalagang malaman ang mga ganitong pangyayari sa kasaysayan ng isang lugar upang mas maintidihan ang kanilang mga karakter, paniniwala at kultura bilang isang lalawigan. Sa mga pangyayaring naranasan ng mga Kapampangan ay mas naintindihan ko kung bakit sila napakapursigido sa buhay. Kapag may mga sakuna, mapa malaki man o maliit, at napaka-positibo ang kanilang mga pananaw sa buhay.
Mga Ikonic na Lugar sa Pampanga
Sisimulan ko ang pagpapakita sa mga magaganda at ikonic na mga lugar sa lugar na aking kinalakihan, ang Siyudad ng Sa Fernando. Ito ay ang kapital ng lalawigan. Isa itong maunlad na siyudad. Ang isang ikon sa siyudad na una niyong makikita pagkadating sa San Fernando mula sa NLEX ay ang Paskuhan Village o ang "Hilaga" - ang pangalang ikinabit sa Paskuhan Village ng Departamento ng Turismo (DoT) nang gawing itong lugar kung saan ipinapakita ang kultura ng mga rehiyon sa hilaga at gitnang Luzon nang gawin nila ang ang proyektong "WoW Philippines".
ang pasukan ng Paskuhan Village
Dito dati tinatampok ang "Ligligang Parul" o "Giant Lantern Festival" - ang pagtatangahal at kompetisyon ng mga malalaking parol na gawa ng mga barangay ng siyudad. Dito din makakabili ng mga dekorasyong pampasko - mula sa mga parol hanggang sa mga palawit sa "Christmas Tree" . Ngunit ngayon ay hindi na ito bukas sa publiko.
Ang susunod na lugar ay ang Metropolitan Cathedral na makikita sa gita nang pamilihan ng siyudad ng San Fernando. Ito ang sentro ng Katolisismo at ang arsobispado ng mga Kapampangan. ang orihinal na istraktura ng simbahan ay yari sa kahoy at ginawa noong 1755, noong 1948 ay naging "Cathedral" na ang estado ng "Chruch of San Fernando" at noong 1975 ay naging arsobispado na ang San Fernando (Dee, 2010). Ang lugar kung saan ito nakatayo ay may iportanteng kahulugan. Dahil ito ay ginawa noong kasagsagan ng pagkakasakop ng mga kastila, kinakailgan na ang munisipyo at ang simbahan ay magkadikit o magkatapat at ito ay kinakailangan din nsa gitna ito ng pueblo o pamilihan (Tolentino, 2012).
Ang harapan ng Metropolitan Cathderal |
ang rebulto ni San Fernando - ang patron ng siyudad matatagpuan sa labas ng Cathedral sa gawing kanan |
Hanggang sa ngayon ay makikita ito sa San Fernando. Ang munisipyo at ang simabahan ay nasa gitna ng palengke o pamilihan. Sa paligid din ng simbahan at munispyo ay makikita ang mga "bale matua" o ang mga tahanan ng mga sinaunang mayayamang Kapampangan sa panahon ng mga kastila. Dito din makikita ang impluwensya ng mga kastila sa arkitektura at disenyo. Hanggang sa ngayon ang "kalesa" ay isa paring moda ng transportasyon sa lungsod. Makikita ang mga nakaparadang kalesa sa likod ng simbahan at maari itong sakyan sa paglibot sa lugar o sa simpleng pag-uwi sa bahay. Para sa akin, dito palengke ay makikita pa din ang kultura dati ng mga Kapampangan. Mula sa simbahan hanggang sa pagsakay sa kalesa, ito ay isang simpleng paraan ng pagprepreserba sa klturang mayroon ang Pampanga at ng San Fernando. Ang pag kakaroon ng mga ito mapa sa hanggang ngayon ay importante dahil nararansan ng mga kabataan kung ano ang pamumuhay dati ng mga taga roon.
ang munisipyo ng San Fernando sa tapat ng Cathedral |
Ang susunod na lugar ay isa ring simbahan. Ito ang simbahan ng San Guillermo sa Bacolor, Pampanga. Ito ang isa sa mga simbahan na natabunan ng lahar. Ang pangunahing pintuan papasok sa simbahan ay dating bintana lamang. Makikita din dito ang kultura dati noong nasakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Mapapansin kapag ikaw ay nagtungo rito na ang sementeryo ay nasa likod ng simbahan. Dahil sa nagyari sa simbahang ito at sa buong Bacolor at Pampanga, ginawang museyo ang isang bahagi ng simbahan upang maipakita ang mga nangyari bago ng baha ng lahar, noong binaha ito, at ang pagkatapos ng pagkakabaon nito sa lahar. Ito ay isang paraan na pagprepreserba ng kasaysayan ng lugar at nagbibigay leksyon sa mga taong nagtutungo at tumutingin dito.
ang simbahan ng San Guillermo sa Bacolor ngayon
ang simbahan ng San Guillermo sa
kasagsagan ng pagdaloy ng lahar
Hindi mawawala ang pagkain sa kulturang Kapampangan. Itinuturing magagaling magluto ang mga Kampampangan. Sinasabi ng iba na dahil itinuturing nilang isang moda ng art ang pagluluto. Hindi ito iasng araw araw na gawain. Binubuhos nila ang kanilang panahon at oras sa pagluluto. Sa Pampanga makikita ang naparaming kainan. Kahit saan ka lumingon ay marami kang mapagpipilian. Para sa akin, mayroong dalawang kainan o restawrant na makakakita ka ng awtentikong pagkaing kapampangan. Ito ay ang Bale Capampangan at ang Apag Marangle. Ang Bale Capampangan o "Bahay ng Kapampangan" sa Filipino ay isang kainan sa siyudad ng San Fernando na naghahanda ng awtentikong pagkaing kapampanga. Ito ay popular sa mga tao lalo na sa mga gustong kumain ng "buffet style" o "eat all you can". Sa kabilang dako naman, ang Apag Marangle o "Hain sa Bukid" sa Filipino ay isa ring kainang naghahanda ng awtentikong kapampangang pagkain. Ang kakaiba sa kainang ito ay ang lugar at ang pagprepresenta sa mga pagkain at inumin. Ang restawrant ay nasa gitna ng pala-isdaan at ito ay binubuo ng mga bahay kubo. Ang mga tao ay pwedeng humuli ng isda mula sa kanila kubo o sumakay ng bangka. Ang mga pagkain ay nilalagay sa mga palayok at kasirola.
harapan ng Bale Capampangan
ang "buffet table" ng Bale Capampangan
Apag Marangle
mga kubo at balsa sa Apag Marangle
Ilan sa mga pagkain sa Apag Marangle
Ang Pampanga ay isang lalawigan na naimpluwensyahan ng kultura ng mga Kastila tulad ng mga karamihan sa mga pook sa Pilipinas. Ito ay kitang kita at prominente lalo na sa relihiyon at kanilang lengwahe. Napakaraming lugar ang iyong maaaring puntahan na makikita at mauunawaan mo ang kultura ng Pampanga.
Ang pagkakaroon ng mga turista na bumibisita sa mga prominenteng lugar sa Pampanga kung saan makikita ang kultura ng lugar ay maganda dahil maaari nitong mapreserba at lalong maging "visible" sa mga tao. Dahil dito, hindi makakalimutan ng mga tao, lalo na sa mga taong naninirahan doon, ang mga sayaw, kanta, mga ritwal ng mga Kapampangan noon at ngayon. Isang halimbaw ng isang napakagandang festival ng mga Kampampangan ay ang Ligligang Parul o Giant Lantern Festival. Dahil sa festival na ito ay lumalabas ang pagkakaisa ng mga Kapampangan sa mga barangay upang makabuo ng isang magandang parol na magpapakita ng kulturang kapampangan. Dahil sa pagsasama sama ng mga Kapampangan, nakagawa sila ng isang produktong napakaganda at nakakabilib. Hindi masamang gamitin ang lente ng turismo para maipakilala ang mga magagandang lugar sa Pampanga. Ito ay isang magandang lente dahil sa pagdating ng mga turista sa mga lugar na ito mas naprepreserba ang mga lugar na iyon dahil kinakailangang mapanatili ang pagiging maayos at ang kagandahan ng lugar. Kung ito lamang ang tanging paraan upang maipakilala ang iyong bayan sa iba at mahikayat ang mga taong pumunta at kilalanin ito, ito ay tama lang na gawin ng pamahalaang lokal.
Bibliograpi
artikulo:
Dee, Enrico. San Fernando Metropolitan Cathedral in Pampanga.
8 February 2010. Web. 23 August 2013 <http://www.byahilo.com/2010/02/08/san-fernando-metropolitan-cathedral-in-pampanga/#axzz2czQ28cv0>.
Pinatubo Volcano "The Sleeping Giant Awakens". 1996.Web.23 August 2013. <http://park.org/Philippines/pinatubo/>.
Tolentino, Rolando. First World Hubs sa Neoliberalismo ng Pilipinas. 1 March 2012. Web 23 August 2013. <http://rolandotolentino.wordpress.com/2012/03/01/first-world-hubs-sa-neoliberalismo-ng-pilipinas/>.
larawan at bidyo:
Mt Pinatubo Eruption June 1991. Youtube.2008.Web. 23 Aug.2013.
"#348 Hilaga/Paskuhan Village". 356 Great Pinoy Stuff. Wordpress, 14 December 2010. Web. 24 August 2013. <http://365greatpinoystuff.files.wordpress.com/2010/11/paskuhan-village.jpg>.
Burried Chruches and Bats....Spooky!. Wright Outta Nowhere. Wordpress. 29 March 2012. Web. 24 August 2013. <http://wrightouttanowhere.files.wordpress.com/2012/03/pinatubo.jpg>.
San Guillermo Parish Church, Bacolor, Pampanga. Panoramio. Web. 24 August 2013. <http://www.panoramio.com/photo/49743827>.
Pampanga explorer. Bale Capampangan. Pampangadirectory. 14 November 2012. Web. 24 August 2013. <http://pampangadirectory.net/bale-capampangan/>.